GAMIT NG BANTAS
Cyrene R.
Piloneo
BSEd 2B-
FILIPINO MAJOR
Partido State
University
COLLEGE OF EDUCATION
l Ito ang marka na ginagamit upang linawin ang kahulugan ng
nagpapahiwatig sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga salita sa
pangungusap at clauses at parirala.
Isang bagay na paulit-ulit at regular interruptions o divisions.
Ang paggamit ng mga tiyak na mga marka upang linawin ang
kahulugan ng nakasulat na materyal sa pamamagitan ng grupo ng salita.
Ito ay ang mga pananda o sagisag na ginagamit upang maging
malinaw ang kahulugan ng mga pangungusap.
Narito ang ilang mga bantas na karaniwang ginaganit
sa mga sulatin.
1. Ang
TULDOK
(.)
ay ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos.
Sa mga salitang dinadaglat at
pagkatapos ng mga tambilang at titik.
Halimbawa:
v Dapat
tayong sumunod sa batas.
v Karamihan
ng mga pangyayaring nagaganap ay hindi inaasahan.
2. Ang
KUWIT
(,)
ay ginaganit sa:
Ginagamit sa magkasunod na mga salita o parirala na
nasa loob ng pangungusap.
a) Salitang
panawag
Halimbawa:
v Roldan,
ikaw na ang magdala nito.
v Julie
Ann,
hindi ka na raw aalis.
b) Sa
lipon ng mga panuring
Halimbawa:
Si Dolor, ang maganda at marunong na anak ni
Aling Luringm ay nagtapos na sa pag-aaral.
3. Ang
TANDANG
PANANONG (?) ay ginagamit sa pagtatanong at sa bahaging
pinag-aalinlangan. Ito’y inilalagay sa panaklong.
Halimbawa:
v Totoo
ba ang sinabi mo?
v Lahat
ng tao ay nasiyahan sa palabas.(?)
4. Ang
KUDLIT
(‘)
ay ginagamit sa salitang dinaglat. Ginagamit na pananda ng nawawalang letra o
mga letra sa dalawa o mahigit pang salitang magkasunod.
Halimbawa:
v Ang
nakita ko’y
hindi ko sasabihin.
v Malago’t
malabay ang mga sanga ng mirasol.
5. Ang
TUTULDOK
(:)
ay ginagamit sa simula ng sunud-sunod na tala at pananda sa sinabi. Ginagamit
matapos maipauna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag, halimbawa,
katuturan, banggit o talaan.
Halimbawa:
v Ipinagkaloob
sa atin ng Maykapal ang lahat: tubig, hangin, punungkahoy, kabukiran at mga
halaman.
v Ani
Dr. Jose Rizal:
Ang hindi magmahal sa sariling wika, mahigit sa hayop at malansang isda.
6.
Ang TULDOK-KUWIT(;) ay ginagamit sa
pagitan ng magkakaugnay na mga mahahalagang sangkap ng isang mahabang
pangungusap. Karaniwang ginagamit pagkatapos ng mga sugnay na ang kasunod ay
ang mga salitang kaya, samakatuwid, gayon din, gayon man, anupa't,
a) Paghihiwalay
ngpangungusap na tambalan kung hindi pinaghihiwalay ng pangatnig
Halimbawa:
v Ang
batas ay nilikha upang sundin; tungkulin ng tao ang sumunod.
v Kinawayan
sila ng pulis; nagmamadali
silang lumapit.
b) Paghihiwalay
ng mga sugnay na sunud-sunod
Halimbawa:
v Lumabag
sila sa batas; hinuli
sila ng maykapangyaruhan; tinanggap nila ang kanilang pagkakamali.
7. Ang
PANIPI
(“ ”) ay ginagamit sa: Tuwirang sinasabi ng
nagsasalita
Halimbawa:
v “Ang
pagkamasunurin ay itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang,” ang paliwanag ng guro.
v “Hindi
ako humihingi sa iyo ng limos,” pagalit na sabi ni Corazon.
8. Pamagat
ng aklat at pangalan ng akda
Halimbawa:
v Ang
“Florante
at Laura”
ay obra maestro ni Balagatas.
v Ang
“Walang
Panginoon”
ay isinulat ni Deogracias Rosario
9. Ang
GITLING
(-)
ay marami ring gamit:
a) Sa
salitang nahahati sa magkasunod na taludtod
Halimbawa:
v (kara- (mangi-
Gatan) ngisda)
b) Sa
salitang inuulit
Halimbawa:
v Bayan-bayan
v Gaa-gaano
c) Sa
pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at sa salitang-ugat na nagsisimula
sa patinig
Halimbawa:
v Pag-ibig
v Tag-araw
d) Sa
pagitan ng ika- at tambilang
Halimbawa
v Ika-10
v Ika-14
e) Sa
pagitan ng maka-o ng taga- at pantangi
Halimbawa:
v Maka-Rizal
v Taga-Maynila
f) Sa
halip ng nawawalang kataga sa pagitan ng
dalawang salita
Halimbawa:
v Balat-sibuyas
(ng)
v Buhay-alamang(ng)
g) Sa
pagtatambal ng dalawang salitang kapwa nagtataglay pa rin ng kanya-kanyang
kahulugan
Halimbawa:
v Binatang-bukid
v Kapit-kamay
h) Sa may
at sa di kung bumubuo ng pang-uri
Halimbawa:
v May-sakit
v Di-maganda
10. Ang
TANDANG
PADAMDAM (!) ay ginagamit sa katapusan
ng mga salita o pangungusap na pandamdam o nagpapahayag ng matindi o masidhing
damdamin.
Halimbawa:
v Mabuhay ang Pangulo!
v Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
v Aray! Naapakan mo ang paa ko.
11. Ang Tulduk-tuldok o Elipsis (...) - ginagamit kung may salita o mga salitang
iniwawaglit sa pangungusap. Nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita
ang karugtong ng nais sabihin.
b) Sa mga sipi, kung may iniwang
di-kailangang sipiin.
Halimbawa
Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang...
Halimbawa
Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang...
Pinagtibay ng Pangulong Arroyo…
Sanggunian:
Gintong
Pamana II, Uygan, F,et.al.,pg,70-73
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_Daglat&alreadyAsked=1&rtitle=Kahulugan_ng_bantas
http://www.newyorker.com/online/blogs/books/2010/09/its-national-punctation-day.html
http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://visual.merriam-webster.com/images/communications/communications/punctuation-marks.jpg&imgrefurl=http://visual.merriam-webster.com/communications/communications/punctuation-marks.php&usg=
http://www.newyorker.com/online/blogs/books/2010/09/its-national-punctation-day.html
http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://visual.merriam-webster.com/images/communications/communications/punctuation-marks.jpg&imgrefurl=http://visual.merriam-webster.com/communications/communications/punctuation-marks.php&usg=
Prepared
by:
Cyrene R. Piloneo
BSEd 2B
Dr. Myrna C.
Bigueja
Associate Professor
I
“P-r-r-r-r-t! Hoy, jaywalking kayo ! Isang matabang pulis ang nakita ko.
Kinawayan kaming limapit sa kanya. Daig pa ninyo ang lumakad sa kabilugan ng
buwan.
Di ba ninyo alam na bawal tumawid doon?”
“Sorry, Tsip. Nagmamadali ho ako, e.
Gusto ko hong maka-uwi agad,” paliwanag ng magandang dalagang katabi ko.
“Sarhento Flores,
hindi Tsip,”
galit ang pulis. “At bakit ka nagmamadali? Dahil natatakot kang
malaman sa inyo na nakipagdate ka sa
lalaking ito?”
“Hindi ko kilala ang lalaking
iyan.
Kung ‘yan
lang,
dina bale.”
“At kung ikaw naman ang magiging
girlfriend ko, magpapari na lang ako,” ang tugon ko.
Napariin ang pagkakahawak ko sa
kanyang braso. Ngunit wala akong narinig. Ni bahagya mang pagtutol.
Nilingon ko ang aming tinawiran kanina. Nilingon ko si Sarhento Flores. A,
isa sa mga araw na ito, babalikan ko ang pulis na iyon upang
pasalamatan sa pagkakahuli niya sa amin.
Hango
sa:”Jaywalking”
ni
Pat Villafuerte
|